Trillanes, hindi nakadalo sa PMA alumni homecoming

National News

Hindi nakadalo sa Philippine Military Academy (PMA) alumni homecoming si Senador Antonio Trillanes na miyembro ng PMA Class 1995.

Dumalo naman sa nasabing okasyon sina Senador Ping Lacson at Senador Gringo Honasan na pawang cavaliers na miyembro ng PMA Class 1971.

Samantala, naging panauhin din sa alumni homecoming sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Manny Pacquiao.

Magugunitang bago ang PMA alumni homecoming ay inakusahan ni   Trillanes si Pangulong Rodrigo Duterte na may mga tagong yaman at sangkot din sa kurapsiyon.

Samantala, sa talumpati ng pangulo sa harap ng cavaliers, hindi niya binanggit ang isyung ibinabato sa kanya ng senador.

Sa halip, hinikayat ng pangulo angPMAers na makiisa sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *