2 pang suspek, kakasuhan ng PNP sa pagkidnap at pagpatay kay Jee Ick-joo

National News

Kakasuhan na ng Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang dalawa pang suspek na sangkot sa pagkidnap at pagpatay sa Koreanong negosyante na si Jee Ick-joo.

Ayon kay PNP-AKG Director Sr. Supt. Glen Dumlao, lumutang ang dalawang bagong pangalan bilang mga principal suspek sa kaso.

Tumanggi si Dumlao na kumpirmahin kung ang mga ito ay mula sa National Bureau of Investigation (NBI).

Tukoy na rin umano nila ang sinasabing ‘go between’ na Koreano din sa pagitan ng sindikato at asawa ni Jee Ick-joo.

Ayon kay Dumlao, nakikipag-ugnayan na sila sa kanilang counterpart mula sa Korean National Police Agency.

Ang mga naunang pinangalanan sa kaso ay sina PSupt. Rafael Dumlao, SPO3 Ricky Sta. Isabel, SPO4 Roy Villegas at PO2 Christopher Baldovino, Barangay Chairman Ricardo Ding Santiago ng Gream Funeral Services sa Caloocan City at Jerry Omlang na isa umanong asset ng NBI.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *