CHED, naglabas ng moratorium sa field trip kasunod ng malagim na aksidente sa Rizal

National News

Naglabas na ng moratorium ang Commission on Higher Education (CHED) para ipagbawal ang mga field trip sa mga eskuwelahan.

Ito ay kasunod ng malagim na aksidente sa Tanay, Rizal kung saan ay labinlimang estudyante ng Bestlink College of the Philippines ang nasawi.

Ayon kay CHED Commissioner Prospero de Vera, ang nasabing moratorium ay ipatutupad hanggang sa mailabas ang bagong guidelines sa field trip ng mga estudyante.

Una nang iminungkahi ni Quezon City Representative Winston Castelo sa CHED at Department of Education (DepEd) na ipagbawal na ang mga field trip.

Hiniling din ni Castelo na ipasara ang mga paaralan na namimilit sa mga estudyante na sumama sa field trip.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *