PNP, kinumpirmang biktima ng mafia ang pinatay na na si Jee Ick-Joo

National News

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na biktima ng mafia style ang pagpatay sa negosyanteng Koreano na si Jee Ick-joo.

Pero hindi aniya ito ang Korean mafia na binabanggit sa kaso.

Sinabi ni PNP-Anti Kidnapping Group (AKG) Director Police Sr. Supt. Glen Dumlao na mafia style ang pagpatay kay Jee bilang panakot ng grupo nina SPO3 Ricky Sta. Isabel sa iba pang negosyanteng Koreano.

Nilinaw ni Dumlao na kilalang negosyante si Jee na walang kinasangkutang iligal at tumanggi itong magbigay sa mga pangingikil sa kanila.

Gusto umano ng grupo nina Sta. Isabel na magsilbing babala si Jee sa iba pang negosyanteng Koreano na ayaw magbigay sa kanilang extortion activities.

Malinaw na murder ang motibo ng grupo at naisipan lang itong pagkakitaan pa kung kaya’t humingi ng ransom sa pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *