Biyahe ni Pang. Duterte sa ibang bansa noong 2016, gumastos na ng P277 M

National News

Umabot sa P277 milyong piso ang ginastos ng gobyerno para sa mga foreign trips ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang taon.

12 bansa na ang binisita ni Duterte mula nang maupo sa pwesto.

Kabilang dito ang Laos, Indonesia, Vietnam, Brunei, China, Japan, Thailand, Malaysia, Peru, New Zealand, Cambodia at Singapore.

Ayon kay Presidential Spokersperson Ernesto Abella, sulit ang halaga ng gastos dahil sa naiuwing investments at pledges ng Pangulo sa bansa.

Ipinagmalaki ni Abella ang dalawampung kasunduan na nagkakahalaga ng $4 billion  na bunga ng pagbisita ni Dutere sa china.

Makakalikha aniya ito ng 1,000  na trabaho sa bansa.

Mula naman sa foreign trip ni Duterte sa japan, sinabi ni Abella na 1.85 bilyong dolyar na investment na makalilikha ng 250,000 na trabaho ang nakuha ng Pilipinas.

Ito naman ang kauna-unahang pagkakataon na naglabas ang Malakanyang ng gastos para sa mga biyahe ng Pangulo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *