Maraming Senador, pabor na buksan ang pagdinig sa DDS

National News

Mas maraming Senador ang bumoto para buksan ang pagdinig tungkol sa Davao Death Squad (DDS) na isiniwalat ni dating SPO3 Athur Lascañas.

Sa naging botohan, sampung senador ang pumabor para magsagawa ng pagdinig ang Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs sa naging pahayag ni Lascañas habang pito naman ang tumutol at lima ang nag-abstained.

Ang mga senador na pumabor sa pagdinig ay sina Senador Kiko Pangilinan, Ralph Recto,Francis Escudero, Franklin Drilon, Risa Hontiveros, Leila De Lima, Bam Aquino, Joel Villanueva, Sonny Angara at Antonio Trillanes IV.

Bumoto naman tutol sa nasabing hakbang sina Kiko Pimentel, Juan Miguel Zubiri, Richard Gordon, Cynthhi Villar, Manny Pacquiao, Sherwin Gatchalian at Gringo Honasan.

Nag-abstain naman sina Senador Panfilo Lacson, Tito Sotto, Nancy Binay, Jv Ejercito at Loren Legarda habang absent naman sa caucus  sina Senador Grace Poe at Alan Peter Cayetano.

Magugunitang sa senate hearing noong Oktubre, itinanggi ni Lascañas na mayroong Davao Death Squad.

Pero nitong Lunes, binawi ni Lascañas ang pahayag at idinawit pa bilang mastermind si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pagpatay noon sa Davao City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *