Mga dating opisyal ng DENR, dapat din daw sisihin sa pagbigay ng permit sa mga minahan

National News

Iginiit ni Congressman Robert Ace Barbers na hindi lamang ang mismong mga mining companies ang dapat sisihin ni Department of Environment and Natural Resources Secretary Gina Lopez sa isyu ng mining permit.

Ayon kay Barbers, dapat ding sisihin maging ang mga dati at kasalukuyang opisyal ng denr na nagbigay ng permit sa mga mining companies na mag-operate sa mga lugar malapit sa watersheds.

Dapat aniyang tingnan ang liability ng mga dating opisyal ng denr gaya nina dating DENR Secertary Ramon Paje at dating Mines and Geosciences Chief Leo Jasareno.

Magugunitang ipinasara ni Lopez ang 23 minahan at kinansela rin ang nasa 75 kontrata ng mga kumpanya ng minahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *