Gerardo Santiago, tikom ang bibig kung sino ang nag-utos na i-flush sa banyo ang mga abo ni Jee

National News

Tikom ang bibig at hindi napilit si Gerardo Santiago, may-ari ng puneraryang pinagdalhan kay Jee Ick-Joo para sabihin kung sino ang nag-flush sa banyo ng mga abo ng pinatay na Koreano.

Sa testimonya ni National Bureau of Investigaion (NBI) Assistant Director Medardo Delemos, sinabi nitong nagbigay ng mga sinumpaang salaysay ang mga empleyado ng puneraryang pagmamay-ari ni Santiago at sinabing utos daw ng kanilang boss na i-flush sa banyo ang abo ni Jee.

Nang tanungin naman si Santiago ay sinabi lang nitong ini-invoke niya ang kanyang rights against self-incrimination.

Sinabi naman ni Senador Grace Poe na lalo lamang lumilinaw ang papel ni Santiago sa krimen sa kanyang naging sagot sa tanong.

Depensa naman ni Santiago, ipinagkatiwala niya ang lahat ng desisyon kung ano ang gagawin sa katawan sa mga staff niya sa punerarya.

Si Santiago na dating pulis at kapitan ng barangay sa Caloocan ay sinasabing tinanggap ang hiling ng kaibigang si SPO3 Ricky Sta. Isabel.

Binayaran umano siya ng tatlumpung libong piso at golf set na pagmamay-ari ni jee.

Iginiit ni Santiago na nasa abroad siya nang mangyari ang pagpa-flush sa banyo ng abo ng Koreano.

Isinumite rin ni Santiago sa Senado ang hard drive ng CCTV camera ng punerarya para ma-retrieve ang umano’y buradong footage ng pagdadala ni Sta. Isabel ng katawan ni Jee sa punerarya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *