Mga opisyal ng NBI na isinasangkot sa pagdukot at pagpatay kay Jee Ick-Joo, kinasuhan na

National News

Kinasuhan na ng Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang tatlong opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) na isinasangkot sa pagdukot at pagpatay sa Koreanong negosyante na si Jee Ick-Joo.

Kabilang sa mga kinasuhan sina dating NBI Deputy Director Jose Yap, NBI-NCR Director Ricardo Diaz at NBI Task Force Against Illegal Drugs Chief Roel Bolivar.

Sa affidavit ni Superintendent Rafael Dumlao, isinalaysay nito ang direktang partisipasyon ng mga nabanggit na opisyal sa krimen.

Nahaharap sa patung-patong na kaso ang tatlong opisyal dahil sa pagdukot at pagpatay kay Jee.

Una nang kinasuhan ng PNP-AKG sina SPO3 Ricky Sta. Isabel, SPO4 Roy Villegas, Superintendent Rafael Dumlao, Ramon Yalung, Jerry Omlang at Gerardo Santiago.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *