NUJP, ipinanagawang imbestigahan ang pagkamatay radio broadcaster na si Jun Pala noong 2003

National News

Nananawagan ang National Union of Journalist of the Philippines (NUJP) na imbestigahan ang pagkamatay ng radio broadcaster na si Jun Pala noong 2003.

Kasunod ito ng ginawang pagsisiwalat ni retired SPO3 Arturo Lascañas na si Pangulong Rodrigo Duterte umano ang nag-utos para patayin si Pala.

Kasabay ito ng pag-amin rin ni Lascañas na totoo ang Davao Death Squad at si Duterte umano ang mastermind nito.

Sa isang pahayag, sinabi ni nujp Chairman Ryan Rosauro na dapat managot si Duterte kung mapatunayang totoo ang pahayag ni Lascañas.

Matatandaan na noong Mayo, sinabi ni Duterte na kilala niya kung sino ang pumatay kay pala.

Inihalimbawa rin nito ang broadcaster na isa umanong korap at dapat umanong mamamatay.

Pero giit ng nujp, ang justification sa pagpatay kay Pala ay katumbas rin ng justification ng pagpatay sa iba pang mamamahayag.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *