Pacquiao, nakikipagnegosasyon na para sa posibleng laban kay Amir Khan

National News

Nakikipagnegosasyon na ang kampo ni Manny Pacquiao para makabakbakan ang British fighter na si Amir Khan.

Sa isang tweet ay sinabi ni Pacquiao na nakikipag-usap na sila sa kampo ni Khan.

Ayon naman sa adviser ni Pacquiao na si Michael Koncz, tiyak na sa United Arab Emirates (UAE) gaganapin ang susunod na laban ni Pacman.

Dagdag pa ni Koncz, ang labang Pacquiao-Khan ang pinakamagandang maibibigay ni Pacman sa kanyang fans.

Target umano nilang mangyari ang laban sa Abril a-beinte tres.

Matatandaang nanguna si Khan sa Twitter poll na ginawa ni Pacquiao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *