Panelo, pinayuhan si De Lima na magpatingin sa duktor

National News

Pinayuhan ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo si Senador Leila De Lima na magpatingin sa duktor.

Ito’y matapos ang maaanghang na pahayag ng senadora laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Gaya ng naging pahayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre, sinabi ni Panelo na ‘inciting to sedition’ ang mga tirada ni De Lima sa pangulo.

Matatandaang tinawag ng senadora si Duterte ng ‘sociopathic serial killer’ at ‘dictator’ makaraang bumaligtad ang self-confessed leader ng Davao Death Squad (DDS) na si SPO3 Arturo Lascañas.

Dagdag pa ni Panelo, nawalan na ng saysay ang umano’y pagkakadawit ni Duterte sa extrajudicial killings dahil sa tagumpay nito noong nakaraang eleksiyon.

Inabisuhan ni Panelo si De Lima na magpatingin para sa kanyang mental at psychological na kalusugan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *