Paulo Avelino at Maja Salvador, nadismaya matapos alisin sa ilang sinehan ang kanilang pelikula

Showbiz

Nagpahayag ng pagkadismaya ang aktor na si Paulo Avelino at aktres na si Maja Salvador matapos alisin sa ilang sinehan ang kanilang indie film na “I’m Drunk, I Love You” sa ilang mga sinehan.

Sa Twitter post ni Paulo, binanggit nito ang ilang malalaking malls na hindi na umano nagpapalabas ng kanilang pelikula.

Ibinahagi rin ng aktor ang kanyang sentimyento kay Liza Dino, chairman ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) kaugnay ng isyu, kung saan ay sinagot naman nito na iimbestigahan nila ang nangyaring ‘first day-last day’ showing na laging nangyayari sa mga indie film.

Ayon naman kay Maja, unang linggo pa lamang ng kanilang pelikula ay inalis na agad ito samantalang ang Hollywood films ay nae-enjoy ang mahabang pagpapalabas.

Sa ngayon ay ipinalalabas na lamang sa labing-isang sinehan ang nasabing pelikula.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *