School toilet guidelines para sa mga estudyanteng transgender, binago ni Trump

International News

Kinansela ng administrasyon ni US President Donald Trump ang guidance mula kay dating US President Barack Obama pabor sa mga estudyanteng transgender.

Noong panahon ni Obama ay inatasan nito ang mga pampublikong eskuwelahan na payagan ang mga estudyanteng transgender na gumamit ng banyo, alinsunod sa kanilang gender identity.

Nagbigay ng sulat sa mga paaralan sa Amerika para baguhin ang nasabing guidelines.

Nagdulot umano ng kalituhan ang direktiba ni Obama patungkol sa paggamit ng banyo.

Nangako naman ang Trump Administration na hindi maaapektuhan ang anti-bullying safeguards ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *