BIR, bigong makamit ang tax collection target sa taong 2016

National News

Bigo ang Bureau of Internal Revenue na makamit ang tax collection target na 1.620 trilyong piso sa taong 2016.

Ito ang kinumpirma ni BIR Commissioner Caesar Dulay matapos makakolekta lamang ng 1.576 trilyong pisong buwin noong nakaraang taon.

Sinabi ni Dulay na ang pangunahing dahilan nito ay ang kakulangan daw ng revenue collectors.

Balak ng bir na mag-hire ng karagdagang manpower para punuan ang mahigit 10,000 plantilla positions ng ahensiya.

Magpapatupad din ang bir ng isang expanded compromise settlement program kung saan pagbabayarin na lamang ang mga tax payers sa kanilang tax arrears o mga delinquent accounts para hindi sila sampahan ng kaso.

Samantala, target ng BIR ngayong taon na makakolekta ng 1.829 trilyong pisong buwis mula sa mga tax payers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *