De Lima, sinabing karangalan niyang makulong bago sumuko sa PNP-CIDG

National News

Karangalan para kay Senadora Leila De Lima ang makulong dahil sa kanyang mga ipinaglalaban.

Ito ang kanyang naging pahayag bago sumuko para sa isinilbing warrant of arrest.

Iginiit din ng senadora na wala siyang kinalaman sa umano’y illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Aniya, inosente siya at pawang kasinungalingan ang mga paratang laban sa kanya.

Lalabas din aniya ang katotohanan sa tamang panahon.

Sa kabila ng pagkakaaresto ay nangako si De Lima na hindi siya titigil na punahin ang mga serye ng pagpatay sa ilalim ng war on drugs ng Administrasyong Duterte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *