Pag-aresto kay De Lima, pagpapakitang gumagana ang hustisya – House Speaker Alvarez

National News

Ikinatuwa ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang pagpapalabas ng warrant of arrest laban kay Senador Leila De Lima dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa illegal drug trade.

Ayon kay Alvarez, pagpapakita ito na gumagana ang hustisya sa bansa.

Ipinalabas ng Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 204 ang warrant of arrest laban sa senadora, sa dating driver nito na si Ronnie Dayan at kay dating Bureau of Corrections Officer-In-Charge Rafael Ragos.

Nauna nang naaresto si Dayan habang ipinagpaliban naman hanggang mamayang alas-dyes ng umaga ang pag-aresto kay De Lima.

Nnaniniwala naman si Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali na kayang-kaya ni De Lima na depensahan ang sarili sa korte dahil sa lawak ng kaalaman nito sa batas bilang abogado.

Nakasalalay naman aniya sa prosekusyon ang pagpapatunay sa kaso laban sa senadora.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *