Pagdiriwang ng ika-31 anibersaryo ng EDSA People Power, naging simple

National News

Naging simple ang pagdiriwang ng ika-tatlumpu’t isang anibersaryo ng EDSA People Power 1 Revolution.

Nagsagawa ng programa ang Malacañang sa loob ng Camp Aguinaldo.

Tila nagkaroon ng reunion ang mga personalidad na nanguna sa 1986 EDSA People Power 1 Revolution.

Dinaluhan ito nina dating Pangulong Fidel V. Ramos, dating Vice President Jejomar Binay, Senador Gringo Honasan at dating Senador Juan Ponce Enrile.

Nagbigay rin ng mensahe si Pangulong Rodrigo Duterte na binasa naman ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Una nang sinabi ng Malacañang na dadalo si Duterte sa relaunch ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro sa Davao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *