Puneraryang pinagdalhan ng labi ni Jee, nakitaan ng paglabag sa batas; may-ari, ginisa sa pagdinig sa Senado

National News

Nagisa sa pagdinig ng senado ang may-ari ng puneraryang pinagdalhan ng mga labi ng pinatay na Korean businessman na si Jee Ick Joo.

Kumbinsido si Senador Grace Poe na may malaking pananagutan sa batas ang may-ari ng Gream Funeral Parlor sa Caloocan City na si Gerardo Santiago, na dating pulis.

Itinanggi ni Santiago na siya ang nag-utos na i-flush sa inidoro ang abo ni Jee.

Aniya, ipinaubaya na niya sa kaniyang mga empleyado ang pag-cremate sa mga dinadalang bangkay.

Dumating pa sa punto na iginiit nito ang right against self incrimination na mas lalong pinagdudahan ni Poe.

Sinabi rin ni NBI Director Dante Gierran na dapat alam ni Santiago ang kalakaran ng mga punerarya na accredited ng nbi.

Sinabi ni Gierran na kung may mga kwestiyunableng bangkay, dapat ay tinatawag ang nbi para sa autopsy, na hindi ginawa ng Gream Funeral Parlor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *