Residential area sa QC, nasunog; 1 patay

Metro News

Patay ang isang batang lalaki matapos sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Barangay Payatas, Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Alex Tantuan, Jr., walong taong gulang na naiwan umano sa kanilang bahay samantalang nangangalakal ang kanyang mga magulang.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang apoy sa isang junk shop sa lugar.

Sugatan din sa insidente ang dalawang residente matapos magtamo ng mga paso sa braso at mukha.

Samantala, isang lalaki naman ang nahirapang huminga at isang matandang babae ang pinakalma dahil sa nerbiyos.

Tatlong bahay at tatlong junk shops naman ang nasunog sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *