Sen. Koko Pimentel, kumpiyansang susuko ng mapayapa si De Lima

National News

Walang pagtutol si Senate President Kiko Pimentel sa desisyon ni Senador Leila De Lima na sa loob ng senado magpalipas ng magdamag bago siya arestuhin ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Sinabi pa ni Pimentel na hindi dapat mabahala ang mga aaresto kay De Lima dahil nangako naman ito sa publiko na boluntaryong susuko.

Kahit naman nakakulong, sinabi ni Pimentel na maaari pa ring gampanan ni De Lima ang tungkulin nito bilang senador.

Hindi nga lang ito maaaring makaboto sa mga usapin sa senado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *