17 NPA, arestado sa engkuwentro sa Batangas

National News

Kusang sumuko sa gobyerno ang limampu’t isang miyembro ng New People’s Army (NPA) samantalang labimpito naman ang naaresto.

Ito ang ipinahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) simula nang ilunsad ng militar ang all-out war laban sa rebeldeng grupo tatlong linggo na ang nakalilipas.

Inaasahan ni AFP Spokesperson Marine Col. Edgard Arevalo na marami pang rebeldeng NPA ang susuko sa darating na mga araw.

Samantala, naaresto naman ang labimpitong NPA matapos ilunsad ng AFP ang tatlumpu’t anim na small unit operations laban sa mga rebelde sa Nasugbu, Batangas.

Kabilang sa inaresto ang top NPA leader na si Ernesto Samarita.

Ang grupo ni Samarita ay sangkot sa iba’t ibang atrosidad at large scale extortions sa Pico De Loro, Batangas.

Nasa pitong sundalo at labing-apat na rebeldeng NPA ang nasawi sa engkuwentro samantalang tatlumpung militar ang naitalang sugatan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *