Dagdag-bawas sa produktong petrolyo, inaasahang ipatutupad bukas

National News

May inaasahan na namang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa ikaanim na pagkakataon bukas, araw ng Martes.

Ayon sa energy sources, treinta sentimos hanggang kuwarenta sentimos ang inaasahang dagdag sa presyo ng kada-litro ng diesel samantalang beinte hanggang treinta sentimos naman sa kerosene.

Samantala, may bawas naman sa presyo ang kada-litro ng gasolina na aabot sa kuwarenta hanggang singkuwenta sentimos.

Ito ay epekto pa rin ng paggalaw ng presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *