Dating BuCor Chief Rafael Ragos, pinakukustodiya sa NBI

National News

Inihirit ng kampo ni dating Bureau of Corrections (BuCor) Chief Rafael Ragos kay Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 204 Judge Juanita Guerrero na mailagay siya sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI).

Sinabi ni Ragos na gusto niyang magpakustodiya sa NBI dahil sa banta sa kanyang buhay.

Pinaboran naman ng korte ang hirit ni Ragos.

Kahapon ay sumuko si Ragos matapos ipaaresto ng nasabing korte.

Ang NBI ang nag-escort kay Ragos patungong Muntinlupa RTC ngayong araw para i-turn over ito roon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *