De Lima, dudulog sa Korte Suprema ngayong araw

National News

Inaasahang maghahain ng petisyon ngayong araw sa Korte Suprema ang kampo ng nakadetineng si Senador Leila De Lima.

Ito’y para kuwestyunin ang pagkakaaresto sa kanyang mga kasong may kaugnayan sa droga.

Ayon sa abugado ni De Lima na si Attorney Alex Padilla, hihirit sila ng status quo ante order para makalaya ang senadora.

Si De Lima ay nahaharap sa mga kasong walang piyansa dahil sa pagkakasangkot sa transaksiyon ng droga sa New Bilibid Prison (NBP) noong kalihim pa ng Department of Justice (DOJ).

Matatandaang nabigo si De Lima na makakuha ng temporary restraining order (TRO) mula sa Court of Appeals (CA).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *