LI, nagpahayag ng suporta kay Senadora Leila De Lima

National News

Nagpahayag ng suporta ang International Federation of Liberal Political Parties sa Liberal Party (LP) at pagdepensa sa pagpapakulong kay Senator Leila De Lima.

Ayon sa Liberal International (LI), nababahala sila sa pag-aresto kay De Lima at maging sa lumalalang situwasyon ng human rights sa bansa.

Sinabi naman ni LI Human Rights Committee Chairman Markus Leoning, na dapat igalang at idepensa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Saligang-Batas ng bansa at ang karapatan ng mga mamamayan.

Una nang kinondena ng LP ang pag-aresto sa senadora na sinasabing resulta ng ‘political vendetta.’

Idudulog umano ng LI sa pamunuan ng European Union (EU) ang kaso ni De Lima para magpasaklolo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *