Malakanyang, nagsuspindi ng klase ngayong Lunes dahil sa nationwide transport strike

National News

Maagang inanunsiyo ng Malakanyang ang pagsuspindi ng pasok sa elementarya at sekondarya sa Metro Manila ngayong araw ng Lunes, Pebrero a-beinte siyete.

Ito ay kasunod ng pagdedeklara ng nationwide transport strike ng jeepney operators laban sa nakaambang pagpe-phase-out sa mga lumang sasakyan.

Maging ang ilang lalawigan ay maagang nag-abiso sa pagkansela ng klase.

Samantala, maaga ring nag-anunsiyo ng suspensiyon ng klase sa lahat ng antas at office works ang De La Salle University-Taft/BGC at Makati campuses; College of Saint Benilde; University of Santo Tomas; Adamson University; Guadalupe Catholic School; College of San Agustin Iloilo; Western Visayas State University; Far Eastern University-Manila at Makati campuses; Lyceum of the Philippines University; Colegio De San Juan De Letran; University of the Philippines Manila; Philippine Christian University-Manila Campus; Don Bosco Technical Institute Makati; Philippine Women’s University sa Maynila at Quezon City campuses; St. Paul University Manila Campus at Ateneo De Manila University.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *