NPA-Southern Mindanao, tinanggap ang alok ni Davao City Mayor Sara Duterte na usaping pangkapayapaan

Regional

Tinanggap ng New People’s Army (NPA) sa Southern Mindanao ang alok na usaping pangkapayapaan ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Sa isang pahayag, sinabi ng NPA na handa silang makipag-usap sa alkalde.

Kinikilala rin umano ng grupo ang nais ni Mayor Duterte na kausapin sila bilang isang grupo at hindi indibidwal.

Ayon naman sa Davao City Information Office, natanggap na ni Mayor Duterte ang tugon ng NPA at pinag-aaralan na nito ang susunod na hakbang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *