PISTON, nagbanta nang mas regular na tigil-pasada kung itutuloy ang planong jeepney phase-out

Metro News

Nagtipun-tipon ang mga miyembro ng transport group na PISTON, Stop and Go Coalition at No to Jeepney Phase-Out Coalition sa Bonifacio Monument sa Caloocan para sa malawakang transport strike ngayong araw.

Ayon kay PISTON National President George San Mateo, nasa 20 lunsod at munisipalidad ang sasabay sa tigil-pasada.

Sila rin ang grupong nag-organisa ng malawakang tigil-pasada noong Pebrero a-sais.

Nagkaroon naman ng pakikipagdayalogo ang mga transport leader sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) pero hindi nasiyahan ang mga lider sa resulta ng dayalogo.

Humingi naman ng paumanhin si San Mateo sa mga apektadong pasahero.

Pero binantaan nito ang gobyerno na gagawing mas regular ang tigil-pasada kung hindi diringgin ang kanilang hinaing.

1 thought on “PISTON, nagbanta nang mas regular na tigil-pasada kung itutuloy ang planong jeepney phase-out

  1. .. good evening po. ๐Ÿ™‚
    . Suggestion lang po.. Imbes na phase out. Bakit di na lang po gawing water run ang engine? Dpo ba may Pinoy inventor na gumawa ng gadget to convert a dies3l or gas powered vehicle at gawing H2o. ๐Ÿ™‚
    .. DAZO WATER FUEL HYDROGEN TECH.

    .. God bless us all and our Nation! โ™กโ™กโ™ก

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *