PNP, handa nang bumalik sa kampanya kontra-droga

National News

Handa ang Philippine National Police (PNP) na muling bumalik sa laban ng administrasyon kontra-droga.

Ayon kay PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa, marami ang humihiling na ibalik ang PNP sa war on drugs.

Aniya, nagiging siga na naman ang mga pusher at bumalik umano ang drug trade ng mga ito.

Pero iginiit ni Dela Rosa na hihintayin niya ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanilang commander in chief.

Inalis ni Duterte sa PNP ang war on drugs matapos ang pagdukot at pagpatay sa Koreanong si Jee Ick-Joo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *