DOJ Secretary Aguirre, kumpiyansang ibabasura ng SC ang mosyong inihain ng kampo ni De Lima

National News

Kumpiyansa si Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre na ibabasura lamang ng Supreme Court (SC) ang inihaing mosyon ng kampo ni Senadora Leila De Lima.

Una nang inihirit ni De Lima na maglabas ng temporary restraining order (TRO) ang korte at isantabi ang warrant of arrest at pigilan si Judge Juanita Guerrero na magsagawa ng pagdinig.

Sa ipinadalang mensahe ni Aguirre, iginiit nitong ‘perfectly legal’ daw ang pag-aresto sa senadora.

Giit ng investigating prosecutors, may hurisdiksiyon ang DOJ sa kaso, inihalimbawa rito ang ruling ng SC noong 2004 kaugnay ng coup d’etat charges laban kay Senator Gregorio Honasan matapos masangkot sa 2003 Oakwood Mutiny.

Dagdag ng SC, ang kapangyarihan ng Ombudsman na mag-imbestiga sa mga kaso ng public officers at employees ay concurrent sa iba pang sangay ng gobyerno gaya ng provincial, city at state prosecutor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *