Drilon, tinanggal bilang Senate pro-tempore; ilan pang LP senators, inalisan ng chairmanship sa Senado

National News

Ikinagulat ng ilang mga senador ang biglaang balasahan sa mahahalagang chairmanships sa Senado upang tanggalin ang mga miyembro mula sa Liberal Party (LP).

Tinanggal bilang Senate pro-tempore si Senador Franklin Drilon matapos magmosyon si Senador Manny Pacquiao na malapit na kaalyado ng administrasyon.

Hindi naman kumontra si Drilon at nag-second the motion pa.

Inalisan ng chairmanship ang LP president na si Senador Francis Pangilinan at Senador Bam Aquino.

Ang rigodon ay nangyari ilang araw matapos ipaaresto si Senadora Leila De Lima at ang pagsama ng nabanggit na mga senador sa kilos-protesta sa people power monument nitong Pebrero 25, na dinaluhan ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Ipinalit kay Drilon si Senador Ralph Recto na dating Minority leader samantalang si Senador Cynthia Villar ang hahawak sa Senate Committee on Agriculture and Food na dating hawak ni Pangilinan.

Pinalitan naman ni Independent Senator Francis Escudero si Aquino sa Education Committee samantalang si Senador JV Ejercito ang pumalit kay Senadora Risa Hontiveros sa Health And Demography Committee.

Kasunod nito, umanib na sa Oposisyon o Minorya sina Hontiveros, Drilon, Aquino at Pangilinan, na ang orihinal na miyembro ay sina Senador Antonio Trillanes  IV at Ralph Recto.

Tiyak na rin daw na sasama si De Lima SA Minorya pero hihintayin muna ni Senate President Koko Pimentel ang pormal na komunikasyon nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *