Driver na namaril sa isang motorcycle rider sa QC, pinangalanan na

Metro News

Natukoy na ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver ng Toyota Land Cruiser na suspek sa pamamaril ng isang motorcycle rider sa lunsod nitong weekend.

Kinilala ang suspek na si Fredison “Sonson” Atienza.

Kahapon ay naglabas ang QCPD ng artist sketch ng nasabing suspek.

Base sa nasabing sketch ito ay nasa edad treinta hanggang treinta’y singko.

Sa datos ng Land Transportation Office (LTO) ay sa isang Toyota Avanza nakarehistro ang plakang AHA-3454 na sangkot sa aksidente.

Pero isang Land Cruiser ang nakunan ng CCTV na nasa lugar na pinangyarihan ng pamamaril.

Paliwanag ni QCPD Director Guillermo Eleazar, AHA-3458 ang tamang plate number ng kotse na sangkot sa nasabing insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *