Kuala Lumpur Airport, idineklarang ligtas mula sa VX nerve agent na ginamit sa pagpatay kay Kim Jong-Nam

International News

Idineklara ng Malaysian authorities na ligtas ang Kuala Lumpur Airport matapos matiyak na wala nang anumang bakas ng VX nerve agent na ginamit sa pagpatay kay Kim Jong-Nam.

Isinagawa ng Malaysian Forensic Department at Atomic Energy Licensing Board ang toxic check sa terminal ng paliparan, kung saan ay nilason si Jong-Nam sa pamamagitan ng pagpahid ng VX nerve sa mukha nito.

Isang uri ng chemical weapon ang VX nerve agent na delikado at maaaring makamatay sa loob lamang ng ilang minuto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *