Kumpirmasyon ni DENR Secretary Lopez, tinututulan ng ilang tribu sa Surigao del Sur

National News

Mariing tinututulan ng anim na tribal chieftain o datu sa tatlong bayan sa Surigao del Sur ang kumpirmasyon ng Commission on Appointments (CA) kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez.

Ito ay kahit na ang mga tribong Manobo sa Agusan del Sur at iba pang green groups ang nag-endorso sa opisyal.

Tutol ang mga tribu sa desisyon ni Lopez na pagpapasara sa mga minahan sa kanilang lugar.

Kabilang sa mga tumututol na nagpadala ng sulat sa CA sina Datu Engwan Ala, Datu Ryan Huniog sa Carrascal, Datu Benjamin Adjawon, Datu Escobal Angeles at Datu Felipe Antad sa Cantilan at Datu Benjamin Tindogan sa Madrid.

Giit ng mga datu na kung tuluyang maipasasara ang mga mining company ay babalik ang tribo sa hirap ng buhay na posibleng magtulak sa kanila na sumama sa grupong laban sa gobyerno o kaya ay gumawa ng krimen.

Dagdag pa ng grupo, tanging ang pagmimina lang ang pinagkakakitaan sa ngayon ng mga residenteng katutubo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *