LTFRB, pananagutin ang mga nagsamantala at sumali sa transport strike

National News

Nakahandang imbestigahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang taxi drivers na nagsamantala sa isinagawang nationwide transport strike.

Nabatid na ilan sa mga ito ay humihingi nang mataas na bayad samantalang ang iba naman ay talagang nangongontrata nang doble o higit pa kumpara sa normal na pasaheng binabayaran ng pasahero.

Aalamin din ng LTFRB ang mga napaulat na tricycle units na bumiyahe sa mga highway, sa kabila ng pagbabawal sa mga ito na dumaan sa main roads.

Samantala, inabot naman ng gabi ang mga sasakyan ng Metropolitan Manila Development Authority  (MMDA), Local Government Units (LGUs) at iba pang tanggapan para magsundo ng mga stranded na pasahero.

Tiniyak din ng LTFRB na ang jeepney operators at drivers na nakiisa sa transport strike ay papatawan ng karampatang parusa.

Sa katunayan, nagtakda na sila ng pagdinig sa susunod na mga araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *