Miyembro ng ASG, patay sa operasyon ng PNP-SAF sa Zamboanga Sibugay

Regional

Patay ang isang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) matapos ang operasyon ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) sa Barangay Tampalan, Alicia, Zamboanga Sibugay.

Kinilala ang nasawi na si Imam Yasin samantalang dalawang kasamahan naman nito ang naaresto na kinilalang sina Aujaie Moh Abdul Karim at Murad Mohammad.

Isang pulis naman ang napaulat na nasugatan sa engkuwentro na nakilalang si PO2 Larry Falitnag na miyembro ng 84th Special Action Company.

Nakuha naman sa mga rebelde ang M14 rifle, mga cellphone at mga subversive document.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *