Pamumugot kay Kantner, mariing kinondena ng gobyerno

National News

Mariing kinondena ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza ang pamumugot ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa kanilang bihag na German national na si Jurgen Kantner.

Ito ang reaksiyon ni Dureza matapos makumpirma ang nasabing insidente.

Ginawa ang pamumugot kay Kantner matapos bigong magbigay ang pamilya nito ng P30 milyong ransom.

Ang 70-anyos na German national ay dinukot noong nakaraang taon sa kanyang yate.

Nabawi naman ang yate noong Nobyembre 7 lulan ng isa sa mga kasama ni Kantner na si sabine merz.

Sa ngayon ay patuloy ang paghahanap ng mga awtoridad sa bangkay ng German hostage.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *