Tren ng PNR, dalawang beses tumirik

Metro News

Dalawang beses na nakaranas ng aberya ang tren ng Philippine National Railways (PNR) na biyaheng Alabang ngayong umaga.

Unang tumirik ang tren sa Abad Santos-Antipolo Crossing sa Tondo, Maynila at sumunod naman ay sa Magsaysay Crossing sa Sta. Mesa, Maynila dahil sa problema sa brake.

Agad kinansela ang biyahe ng tren at pinababa ang mga pasahero.

Ilang mga motorista rin sa lugar ang naantala ang biyahe dahil sa nakaharang na tren.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *