Pacquiao-Khan fight, naurong sa Mayo

Sports

Naurong ang petsa ng laban sa pagitan nina Manny Pacquiao at Amir Khan na gaganapin sa United Arab Emirates (UAE).

Ayon sa adviser ni Pacquiao na si Michael Koncz, sa halip na sa Abril a-beinte tres ay sa Mayo a-beinte na gagawin ang bakbakan.

Ang desisyong ito ay para umano magkaroon nang mas maraming panahon para ma-promote ang laban.

Sasabihin pa umano nila ang nasabing pagbabago kina Pacquiao at Khan.

Pay-per-view naman ieere ang laban sa Amerika.

Si Khan ang nanguna sa Twitter poll na ginawa ni Pacquiao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *