5 Abu Sayyaf, patay sa bakbakan sa Sulu

Regional

Patay ang limang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf (Group) matapos makaengkuwentro ang tropa ng militar sa Indanan, Sulu.

Samantala, sugatan naman ang labing-isang sundalo.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command-(WESMINCOM), agad na dinala sa Heneral Teodulfo Bautista Hospital ang mga sugatang sundalo.

Tiniyak ni WESMINCOM Commander Major General Carlito Galvez, Jr., na magpapatuloy ang operasyon ng militar upang masugpo ang mga bandidong grupo at masagip ang mga natitirang bihag ng mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *