DOH, nagdeklara ng cholera outbreak sa ilang bayan sa Bohol at Cebu

Regional

Nagdeklara ng cholera outbreak ang Department of Health (DOH) sa dalawang lugar sa Visayas.

Ayon sa doh, apektado ng cholera ang Sitio Badjao Bridge sa Barangay Totolan sa bayan ng Dauis sa Bohol at Carnaza Island sa bayan ng Daanbantayan sa Cebu.

Nasa pitumpung residente ng Sitio Badjao Bridge ang isinugod sa ospital noong nakaraang linggo at kasalukuyan nang nagpapanggaling.

Higit isandaan katao naman sa Carnaza Island ang kumpirmadong nainpeksyon ng cholera.

Nagpadala na ang doh ng mga bagong water containers at water-purification chemicals sa mga apektadong lugar.

Kadalasang nakukuha ang cholera sa maruming tubig inumin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *