DOJ at NBI, may hawak na ebidensya sa umanoy tangkang panunuhol

National News

Hawak na umano ng Department of Justice at National Bureau of Investigation ang recording ng panunuhol sa mga high-profile inmates para baligtarin ng mga ito ang testimonya laban kay Senador Leila de Lima.

Hindi naman idinetalye ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang tungkol sa nasabing phone record at iba pang ebidensiya sa alegasyon.

Isinangkot ng kalihim sina dating Senador Jamby Madrigal at Laguna Representative Marlyn Alonte-Naguiat sa umano’y panunuhol sa mga inmates.

Ang pinagbatayan naman ni Aguirre ay ang testimonya ng isang Lalaine Madrigal-Martinez na asawa ng isa sa mga high-profile inmates na tumestigo laban kay De Lima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *