PNP, hindi umano maipapangako na “less bloody” ang paghawak muli sa war on drugs

National News

Hindi raw maipapangako ni Philippine National Police Chief Director General Ronald Dela Rosa na magiging “less bloody” ang kampanya kontra droga kapag sumali na muli rito ang PNP.

Kung si Dela Rosa aniya ang masusunod, hangga’t maaari ay ayaw niyang may dumanak na dugo sa war on drugs.

Pero imposible aniya ito dahil hindi isusuko ng mga drug lord ang kanilang interes.

Sinabi naman ni Dela Rosa na hindi sila agad-agad sasabak sa giyera kontra droga nang hindi sila handa.

Isang bagong anti-drug enforcement group ang bubuin ng pnp para sa kampanya kontra droga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *