Mga pulis na sangkot sa Atimonan massacre, nakapaglagak na ng piyansa

National News

Nakapaglagak na ng tig-P300,000 piyansa ang mga pulis na sangkot sa Atimonan massacre noong Enero a-sais 2013.

Ito ay matapos payagan ng korte ang petition for bail ng labindalawang akusadong pulis maliban kay PO1 Al Bhazar Jailani.

Kasunod nito, ipinag-utos ni Presiding Judge Liwliwa Hidalgo-Bucu sa Philippine National Police (PNP) Headquarters Support Service ng custodial center sa Camp Crame ang pansamantalang pagpapalaya kay Police Supt. Hansel Marantan.

Kabilang din sa listahan ng mga pulis na pansamantalang makalalaya ay sina Supt. Ramon Balauag, Chief Insp. Grant Gollod, Senior Insp. John Paulo Carracedo, Senior Insp. Timoteo Orig, SPO3 Joselito de Guzman,  SPO1 Claro Cataquiz, Jr. SPO1 Arturo Sarmiento,  PO3 Eduardo Oronan,  PO2 Nelson Indal, PO1 Wryan Sardea at PO1 Rodel Talento.

Pinayagan ng korte na makapagpiyansa ang mga akusadong pulis dahil sa kabiguan ng prosekusyong magsumite ng ebidensiyang magpapatunay na guilty ang mga akusadong pulis sa kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *