P1,000 dagdag-pensiyon sa SSS pensioners, makukuha na

National News

Makukuha na ngayong araw ang unang bugso ng dagdag P1,000 pensiyon para sa mga pensioner ng Social Security System (SSS).

Ang nasabing pensiyon ay para sa buwan ng Enero kung kailan naaprubahan ang hirit na umento sa pensiyon.

Pero pinayuhan ni SSS Chairman Amado Valdez ang mga kukuha ng kanilang pensiyon na mamayang hapon na lang kunin ang kanilang dagdag-benepisyo.

Posible kasi umanong may problema sa distribusyon sa bangko, kaya’t ang iba ay wala pang laman ang mga ATM card.

Sa Marso 10 naman makukuha ng mga pensioner ang P1,000 pensiyon para sa Pebrero samantalang sa Marso 17 naman ang karagdagan pang P1,000 para naman sa buwan ng Marso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *