Paggalugad ng PDEA-7 sa CPDRC, binatikos ng AI

National News

Binatikos ng Amnesty International (AI) ang ginawang strip search ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 7 sa loob ng Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center (CPDRC).

Pinaghubad ng mga awtoridad ang mga preso nang magsagawa sila ng drug raid sa loob ng kulungan ng CPDRC.

Tinawag ng AI na ‘cruel, inhuman at degrading’ ang naturang pagtrato sa mga preso.

Sinabi rin ng grupo na maaaring managot sa Anti-Torture Act ang mga nagsagawa ng raid.

Plano naman ng Commission on Human Rights (CHR) na imbestigahan ang insidente.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *