Pagpapahubad sa mga preso sa Cebu, uusisain ng CHR

National News

Iimbestigahan ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagpapahubad sa mga preso sa Cebu Provincial Jail.

Ayon kay CHR Commissioner Karen Gomez-Dumpit, titingnan nila kung saan lumihis ang pamunuan ng provincial jail base sa kanilang manual.

Bukod dito, sisilipin din ng CHR ang pagkalat ng mga larawan ng mga nakahubad na preso.

Ipinunto ni Dumpit na maraming pag-aaral ang nagsasabing ang pagpapahubad sa mga preso ay sinasamahan ng mga di-makataong pamamaraan.

Pinaghubad ang mga preso bilang bahagi ng raid dahil sa mga kontrabando umanong nakapasok sa kulungan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *