Talent manager na si Tita Angge, pumanaw na

Showbiz

Sumakabilang-buhay na ang talent manager na si Cornelia Lee o mas kilala bilang “Tita Angge” kagabi.

Isang taong naratay si Angge mula nang magkaroon siya ng massive heart attack noong Marso ng taong nagdaan.

Ibuburol ang kanyang labi sa Loyola Memorial Chapels sa Marikina.

Nagsimula si Lee bilang movie fan hanggang maging radio, television at film talent.

Kalaunan ay naging talent manager siya at naging casting director.

Ilan sa mga hinawakan niyang artista ay sina Sylvia Sanchez, Smokey Manaloto at Mickey Ferriols.

Lumabas din siya sa mga pelikula noong dekada 60 at 70.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *