Bagong anti-illegal drug unit ng PNP, ilulunsad ngayong araw

National News

Ilulunsad ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang bagong anti-illegal drug unit at ang bagong hotline na puwedeng tawagan ng publiko para isumbong ang mga reklamo.

Sinabi ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na buo na ang bagong anti-drug unit ng Pambansang Pulisya na pinangalanang PNP-Drug Enforcement Group o P-DEG.

Ang P-DEG ang papalit sa PNP-Anti-Illegal Drugs Group na binuwag ni Pangulong Rodrigo Duterte, kasunod ng mga kontrobersiya at partisipasyon ng ilang mga tauhan nito sa pagpatay sa Koreanong negosyanteng si Jee Ick-Joo.

Ito ay pamumunuan ni Sr. Supt. Graciano Mijares na deputy regional director for administration sa Central Luzon (CL).

Si Mijares ay miyembro ng PMA Class 1988 na nagsilbi rin sa ilalim ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF).

Binubuo naman ang P-DEG ng mga bagitong pulis na walang bad record.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *